Dami ko sanang gusto isulat pero tuwing mag try ako mag type at iaangat ko ang left hand ko ay may matinding pain akong nadarama.
Hirap talaga ng tumatanda, hindi ka na bumabata.
After 4 sessions of my threrapy at least may kunting improvements. Hindi na ako injectionan ng steroid sabi ng Doktora ko. Ituloy na lang uli ang 8 more sessions.
Thank you nga pala sa Nurses/therapies dyan sa Healthway sa may SM North, The Block building. Ang babait nila at magagaling.
Anyway, or anyhow ang gusto ko sanang isulat ay tungkol sa maitim na namang balak nitong si aleng Gloria at kanyang mga alagad kaya muntik nang makalusot ang MOA-AD. Buti na lang at nahadlangan ng Supreme Court. Aba eh, federalesmo naman ang deskarte nitong ale upang hindi matinag sa kanyang inuupuan.
Gusto ko rin sanang isulat ang tungkol din sa Pangarap na makasungkit ng gintong medalya ng ating mga atleta sa Olympic. Sa takbo ng pangyayari ay mananatili na lamang yatang ganun...Pangarap pa rin. O kaya ay manungkit na lang ng gintong medalya ng ibang bansa. Yung dapat ibigay sa mananalo ng P15 Million ay tela malaking lobo pataas ng pataas at palayo ng palayo at hindi na maaabot.
Buti pa si Phelps na naka-walong gintong medalya (opo 8 gold medal) makakakuha ng isang Million lamang, Dollar nga lang.
Tungkol naman sa paggamit ng pekeng bata sa opening ng Olympic dahil hindi daw cute ang tunay na bata na kumanta.Akala ko nga tayo lang ang magaling sa mga fake eh.
May balita din na may na aksidenteng dancer nung rehearsal para din sa opening ng Olympic na ngayun ay for life nang hindi makakalakad.Nang tumalon daw itong ale sa isang nag malfunction ng dapat niyang tapakan ay deretso itong nahulog ng 10 feet below at nadisgrasya ang kanyang spinal cord.
Kaya ngayun ay naisip ko,ok lang itong sakit sa kaliwang balikat ko at least may kanan pa akong pang type.
Sabi nga nila,kalabaw lang daw ang tumatanda.
1 comment:
This was a loveely blog post
Post a Comment