Saturday, September 12, 2009

Five signs of Aging - For men

Kalabaw lang daw ang tumatanda. Pero whether we like it or not may mga signs tayong mararamdaman upang malaman natin na tayo nga ay tumatanda na.

Puting buhok? No, may mga bata pa pero marami nang puting buhok.

HiV? or hair is vanishing? No, may kasama ako sa office mas bata sa akin pero mas ubos na ang buhok. Natutuwa pa nga siya ngayun dahil mas nakatipid siya ng shampoo. Kaya nga lang lumaki naman ang kanyang hinihilamusan. Nung una lang siya na problema. Pero sabi nga, sanayan lang yan.

So, according sa aking friend na si Gerry, ito ang 5 palatandaan na ang isang lalaki ay tumatanda na:

1.Lumalayo ang paningin pero lumalapit ang pag ihi.

2.Naka upo ay inaantok pero kapag nakahiga ay hindi naman makatulog.

3.Natatandaan pa ang nakaraan pero nakakalimutan ang kasulukuyan.

4.May naisip ang itaas pero walang magawa ang ibaba.

5.Dati matigas na naghihintay pero ngayun naghihintay kailan titigas.

Five signs of aging for men.
Kung kasama ja diyan, huwag na mahiya at mag iwan ng komento. Kung hindi ka pa kasali, don't worry at mararanasan mo rin yan. Asan ba ang salamin ko?
Buti na lang at wala pa ako kahit isa diyan.

Babu muna at abangan ang susunod na kabanata.

5 comments:

Roy said...

hindi ako magko-comment... hindi ako magko-comment...

pmonchet said...

hehehe, ayos. ano nga ang sinabi mo?

Anonymous said...

good pm po,

buti na lang po wala pa ako sa mga signs na binanangit nyo, may sasabihin sana ako kya lang di ko maalala, buti pa nung mga bata tayo naghahabulan lang tayo. hehehe sarap gunitain

ingat lagi pards,

Tiyo Paeng said...

Hindi ko pa naman nararanasaa ang mga signs na yan... matikas pa rin ang bototoy ko.. he he he.

40 pa lang naman ako.. at may kasabihan na "life begins at 40".. kaya eto nagsisimulang pa lang na magbinata.. ha ha ha

generic cialis 20mg said...

In principle, a good happen, support the views of the author