Grrrr! Grabe experience ko kahapon. Kakainis talaga.
Sumakay kasi ako na LRT going to Baclaran from Kalookan. Ang ganda ng mode ko kasi maniningil ako sa isang customer. Fresh na fresh ang feeling kasi hindi na siksikan kagaya ng sabay-sabay na pagpasok umaga o rush hour na kahit hindi ka maglakad papasok sa train ay madadala ka na ng taong nasa likod mo.Nakapasok ka nga lukot-lukot naman ang damit mo. At kapag minalas ka pa, mawawala pa ang cellphone mo.
Naka saksak sa tainga ko ang ipod ko so okay sa alright talaga ang mood ko. Dun ako pumuesto ng upo malapit sa pinto. Kaso mo nung may sumakay na matanda at sa akin natapat, gentleman naman angh lolo mo so give ko pwesto ko and dun na ako napatayo malapit sa pinto.
Medyo marami-rami nang tao bandang Blumetriit at tila gusto lahat sa may pinto din tumayo. Kasi naman ang pinoy gusto lagi mauna sa labasan kahit huli na sa pagpasok. Kahit bus, dyep, elevator gusto lahat sa may pinto pupuwesto.
Bandang Central Station na may sumabog na hindi maganda ang amoy. Lintek may umutot at sure ako yung nasa harap(na nakatalikod sa akin)ko galing ang nakakasulasok na amoy. Kaso mo mabilis ang pag patay malisya niya so takipan lahat ng nasa smelling distance.
Likas talagang mabait ang pinoy, parang wala lang nangyari, walang kumikibo,pakiramdaman lang.Parang nahilo pa nga ako kasi kung ano-anu naisip ko na gawin pero baka mapa-away lang ako. Wala akong ebidensiya.Mahirap patuyan sa Korte na siya talaga ang umutot.
Gusto ko sanang bumaba sa next station kaso baka ako ang mapagbintangan.Malay mo ako ituro nung kumag na iyun.
So reminder na lang ito ha, next time kapag sasakay kayo ng train at hindi niyo na mapigil ang utot niyo,please labas muna kayo para naman hindi magdusa ang mga ibang pasahero.
Sa management naman ng LRT at MRT, baka pwede kayo mag invest sa utot detector na magtuturo kung sino ang umotot.Nakaka praning talaga ano?
Hirap naman magdala ng gas mask tuwing sasakay ng train.
Naka experience na ba kayo ng ganito mga friends?
Nakakainis talaga!
acura vacuum diagram
6 years ago
No comments:
Post a Comment