Tuesday, September 30, 2008

Illegal Vendor, Sakit sa Ulo

Ang sakit ng ulo ko dito sa mga illegal vendor dito sa amin. Sobrang ang kukulit at ang titigas ng ulo.


Kahit araw-araw na hulihin ng mga MMDA ganun pa rin. Balik ng balik. Hindi naman sa wala akong awa dahil alam naman natin na karamihan sa kanila ay halos utang pa ang puhunan. At ang reason pa nila ay kaysa magnakaw daw sila,mag vendor na lang daw sila. Pero ang problema ay kahit sabihan namin na umorong naman ay ayaw sumunod at tela matatapang pa at ang katwiran ay wala pa kami dito sa kalookan ay nag vevendor na daw sila. Parang kami pa ang may utang na loob at nag vendor sila sa harap namin.


Wala na kayang yumaman sa lahi nila at up to now ay vendor pa rin sila?


Ang problema ko kasi ay ayaw ng top management namin dun sa makukulit na vendor na yun mag pwesto. Sa mahal nga naman ng upa namin ay haharangan lang ng mga tinamaan ng magaling ang daanan at tila mga astig kapag sinaway o pina tabi. Pinabayaan kasi nung pinalitan ko dito ang mga yan.


Minsan nga iniisip ko kami na lang ang mag vendor sa labas at sila na lang ang magtinda sa loob ng pwesto namin.


Sabagay, nung time ni Jesus Chirst pinaalis din niya ang maiingay na vendor.


Isip-Isip. ano kaya gagawin ko.


Yung ibang magagaling naman kasing MMDA ay tumatanggap din ng pera bilang proteksiyun money. Sila ang nagtitimbre kapag may "Raid" o hulihan na magaganap.

Hay buhay, Pilipinas kung mahal. Kung sa bagay, ang nakaupong Presidente natin Illegal din ang pag kakaupo pero hindi mapaalis.

Tiis, tiis na lang muna.

Thursday, September 25, 2008

Lasma Kunti


Wahhh! September 10 huling post ko dahil sa sobrang busy ko sa work. Dami ko sanang gusto isulat pero hindi ko maisingit. Kadalasan ay gabi na ako nakaka-uwi and kapag medyo napa aga naman ako ay schedule na ng mga anak ko sa computer namin.
Kahapon, nagka chance ako na magsulat at inspired ako.Ang problema, "Bandwith Limit exceeded", yan lumabas sa Fatherlyours website ko.
Wahhh, talagang lasma ata kunti.
Nag text na ako kahapon (mga 6 PM) sa webmaster ng hosting service ko para malaman niya and I am asking for his help. Nag email ako ngayun para ma follow up.
Any idea bakit kaya mga tsong/tsang?
Nangyari na ito sa akin dati and ang alam ko na reason ay naparami ang nilagay ko na pictures. Pero ngayun, I am limiting my posting of pictures.
Why o why ?
Help, Help, SOS Please.
Calling calling Kenneth of Webpinas...

Wednesday, September 10, 2008

Tax exemption, Asan Na?

Itong ating kagalang-galang(kadaya-dayaang)na (huwad)Pangulong Gloria Arroyo ay may pinirmahang batas na RA 9504. Nuon pang June 17,2008. Hanggang ngayun ay hindi pa nagagawa ang implementing rules upang maipatupad na ang exemption ng wage earner sa pagbabayad ng buwis.
Bakit ko ba naitanong? Kasi yung mga kasamahan ko dito sa work ay nag-tatanong na rin dahil nga naman mag-papasko na ay tila wala pa ang inaasam-asam nilang kahit paano ay mag-papaluwag ng kanilang bulsa.Yung kaltas nila ay mababawasan kung maipapatupad kaagad itong batas na ito.
Tinext ko ang kaibigan ko na Attorney at ang reply niya ay sila rin ay nag-aantay dahil may manpower agency siya.

Ano ba yan? Another propaganda lang ni Madam?
Ang sabi ng mga taga BIR ay dapat July mag umpisa samantalang ang mga politico ang gusto ay January. January kasi ang pangako ng mga politiko sa mga tao.
Kapag kasi yung gusto ng politico ang masusunod ay malaki daw ang mawawala sa kanilang koleksiyun,ani ng taga BIR.
Ano ba yan?
Huwag naman sana matulad ito sa mga pinirmahan ng mga bataan ni Madam at pagkatapos ay babawiin. Mga kontratang napirmahan at pagkatapos ay babaliwalain.

Naalala ko tuloy ang kwento ng friend ko:
PEOPLE:Ang hirap naman ng buhay?
GMA: Konting tiis lang.
PEOPLE: You mean makakaahon na tayo sa kahirapan?
GMA: Hindi! ... Masasanay din kayo! Promise.

Hay buhay, hanggang kailan kaya tayo magtiis...
na kasama si gloria.
Bahala na tayo magtiis?
Babu na muna...

Tuesday, September 9, 2008

Manny Pacquaio Vs Oscar Dela Hoya


Photo courtesy of Pacland
Ang dami ng naisulat tungkol sa laban na ito nina Manny Pacquiao at Golden Boy Oscar dela Hoya. Magaganap sa December 6, 2008 sa MGM grand Las Vegas Nevada. Sinisugarado ng mga taong bihasa sa ganitong mga laban na tiyak na tatabo ito sa takelya at siguradong malaki ang kikitain ng parehong boksingero at mga promoters.
Malaki ang lamang sa height, reach at timbang ni Oscar dela Hoya kesa ke pangbansang kamao na si Manny Pacquaio. Marami ang natatakot at nag sasabi na delikado ang kalusugan ni Manny. Ang ilan nga dito ay gustong ipatigil ang laban sa paglapit sa Nevada Athletic Commission.
Isang tao sa kampo ni Oscar ang nagsabi na siguradong matatalo si Manny, iikot at babalintong pabagsak at susuray-suray ang paa sa hilo kapag inabot ng mga suntok ni Golden Boy.
Sa kampo naman ni Manny ay siyempre ang pambansang kamao ang mananalo, gamit ang kanyang bilis at lakas ng suntok.
Wala daw mawawala kay Manny sa labang ito at everything to gain samantalang kay Oscar ay malaki ang mawawala.
Sa tingin ko rin nga mga Tiyong mukhang dehado si Manny pero hindi ba isang sugal ang boksing at ang mga sugarol ay handang manalo at matalo.
Kanina ay napanood ko ang replay ng pangalawang laban nina Ivan Calderon at Hugo Cazares. ito ay ginanap nuong August 30, 2008. Parang preview ng magiging laban nina Manny at Oscar dahil maliit din si Calderon. Mas maliksi at mabilis din parang si Manny. Dito sa labang ito ay nanalo sa decision ang mas mallit at maliksing si Calderon.
Naisip ko posible ngang manalo si Manny kung mapag aaralan niya at makukuha ang game plan ni Ivan Calderon.
Ngayun pa lang nenerbiyos na ako...Ano sa palagay nyo partner?

Monday, September 8, 2008

Nakakainis talaga!

Grrrr! Grabe experience ko kahapon. Kakainis talaga.
Sumakay kasi ako na LRT going to Baclaran from Kalookan. Ang ganda ng mode ko kasi maniningil ako sa isang customer. Fresh na fresh ang feeling kasi hindi na siksikan kagaya ng sabay-sabay na pagpasok umaga o rush hour na kahit hindi ka maglakad papasok sa train ay madadala ka na ng taong nasa likod mo.Nakapasok ka nga lukot-lukot naman ang damit mo. At kapag minalas ka pa, mawawala pa ang cellphone mo.
Naka saksak sa tainga ko ang ipod ko so okay sa alright talaga ang mood ko. Dun ako pumuesto ng upo malapit sa pinto. Kaso mo nung may sumakay na matanda at sa akin natapat, gentleman naman angh lolo mo so give ko pwesto ko and dun na ako napatayo malapit sa pinto.
Medyo marami-rami nang tao bandang Blumetriit at tila gusto lahat sa may pinto din tumayo. Kasi naman ang pinoy gusto lagi mauna sa labasan kahit huli na sa pagpasok. Kahit bus, dyep, elevator gusto lahat sa may pinto pupuwesto.
Bandang Central Station na may sumabog na hindi maganda ang amoy. Lintek may umutot at sure ako yung nasa harap(na nakatalikod sa akin)ko galing ang nakakasulasok na amoy. Kaso mo mabilis ang pag patay malisya niya so takipan lahat ng nasa smelling distance.
Likas talagang mabait ang pinoy, parang wala lang nangyari, walang kumikibo,pakiramdaman lang.Parang nahilo pa nga ako kasi kung ano-anu naisip ko na gawin pero baka mapa-away lang ako. Wala akong ebidensiya.Mahirap patuyan sa Korte na siya talaga ang umutot.
Gusto ko sanang bumaba sa next station kaso baka ako ang mapagbintangan.Malay mo ako ituro nung kumag na iyun.
So reminder na lang ito ha, next time kapag sasakay kayo ng train at hindi niyo na mapigil ang utot niyo,please labas muna kayo para naman hindi magdusa ang mga ibang pasahero.
Sa management naman ng LRT at MRT, baka pwede kayo mag invest sa utot detector na magtuturo kung sino ang umotot.Nakaka praning talaga ano?
Hirap naman magdala ng gas mask tuwing sasakay ng train.
Naka experience na ba kayo ng ganito mga friends?
Nakakainis talaga!

Saturday, September 6, 2008

May malungkot ka bang Kwento?


Kaibigan, may malungkot ka bang kwento? At sa sobrang lungkot ay hindi mo na alam ang gagawin mo? Umiikot na ang pwet mo sa kakaisip kung sinong tao ang makikinig sa iyo? Pwes! huwag ka na mag-isip pa.
Ito ang solusyun sa problema mo, na relieve na ka na, baka manalo ka pa!
E[kwento]MO: Emo Writing Contest!

Sali na dine sa E[kwento]MO na pa-kontest ni Karmi.
Maniwala ka at may premyo rin:

· 1yr domain name (your choice)
· hosting (with idlip.net)
· ako at si komski as your 24/7 on-call technical support

Puntahan mo na lang itong mga detalye dito sa Link na ito.
Magmadali, at habang nag-iisip kayo ng malulungkot na naging bahagi ng buhay niyo ay ikalat na ang tsismis este pa-kontest na ito.

Ako, mukhang mahirapan makaisip ng nakakaiyak kasi sabi nina Tito, Vic and Joey at Tito Dolphy mas madali daw magpatawa kaysa mag-paiyak eh! Nalululuha na nga ako naiisip ko pa lang ang bagay na ito. Huhuhuhu!

Siya sige at magkita-kita na lang tayo dun hane!
Babu!