Hay, buhay.Naaalala nyo pa ba mga friends nung tayo ay batang paslit. Kay sarap maglaro ng kung anu-ano at kung saan saan.
Walang commitments or forecast. Kain, aral, laro then tulog at pagkagising ay ulit na naman ang cycle ng buhay nating mga paslit.
Pero hindi nga pala naman lahat ay sarap, minsan may sermon din at kapag minalas may palo pang kasama.
Parang wala tayong problema dahil kung mag-karoon man ng awayan, ilang saglit lang bati na uli, then laro na uli. Kung minsan nga mga magulang pa natin ang nagagalit sa atin dahil lagi na nga daw nating kaaaway nakikipaglaro pa tayo.
Napag-isip isip niyo ba rin yan? Kung may chikiting ka o pamangkin ka at ganun ang ugali, nakaka inis hindi ba? Pero likas talaga sa mga paslit ang maging mapag-patawad.
Speaking of isip bata, wala na atang tatalo dito sa nakatira sa loob ng Malakanyang sa pagiging isip bata sa katawan ng matanda. Aba eh,bakit naman kamo?
Eh, matapos niyang mailuto ang tila sekretong pirmahan ng MOA-AD ay hindi na raw pipirmahan ng mga dyaskeng taga Malakanyang na ang sinisisi ay mga trigger happy na MILF.
Matapos siyang tumistigo sa pirmahan ng ZTE deal nuon ay kinansela nang dumami na ang umangal at tila sasabit na ang Palasyo.
Hindi ko na ata mabilang ang mga binawi niyang salita na umabot na sa puntong hindi mo na talaga mapag-kakatiwalaan. Hindi ba sinabi niya nuon na hindi na siya tatakbo bilang Pangulo. Oh, ano ang nangyari? Kaya kapag may sinabi siya ay isipin mo na agad ang kabaliktaran.
Hay naku buhay.Hindi na isip bata ang tawag diyan.
Baka lang makalusot! Ang pa effect niyan.
Kung may magic lang sana ako, gagawin ko talaga siyang bata. Para match sa isip niyang – Isip Bata!
Babu na muna at tumataas ang blood sugar ko. Hmmp!