Tinamaan ng lintik, tumaas ang high blood ko kaninang umaga lang po.
Bakit ika niyo?
Siempre, nag blackout nung Linggo ng gabi sa lugar namin, May 8, 2011 dahil kay bagyong Bebeng.
Okay lang naman at masarap pa rin ang tulog ko dahil malamig naman ang kapaligiran. Comportable pa ring napahimbing ang tulog ng lolo niyo. Maaga akong nagmeme dahil sa aatend ako ng meeting kinabukasan, Lunes, May 9, 2011.
Nag text si kumander mga bandang 10:00 A.M. na wala daw kaming koneksiyong sa teleponong Bayantel namin.
Bakit nga laging kamag anak ng telepono ang kuryente. Kung walang kuryente nawawala rin ang telepono.
Sobrang busy ng lolo niyo at hindi ko na naitawag sa tinamaan ng magaling na Bayantel na sira ang aming linya.
Martes na, ngayong umaga mga past 10:00 nang maitawag ko sa 4121212 at ito ang nangyari:
Kringggg! kringggg! mga ilang ulit na kringggg bago may sumagot,
CSR: Hello, Good Morning!
Ako: Good Morning, ireport ko lang na walang dial tone ang telepono namin.
CSR: Ano hong account number or telephone number?
Ako: ah, 431xxxx.
CSR: Kanino nakapangalan?
Ako: Sa akin, (binanggit ko name ko).
CSR: May iba ho kayong contact number para tawagan po kayo?
Ako: 361xxxx.
CSR: Sige sir pagka baba niyo nitong telepono ay tatawagan po kayo tungkol dito sa reklamo niyo.
Ibinaba ko ang telepono at nag isip. matamang pinagmasdan at binantayan kung kekerereng nga ang telepono ko.
Matuling lumipas ang ilang segundo na naging minuto hanggang sa mag isang oras na.
Dial ako ulit sa Bayantel hotline. Ilang subok at naging tagumpay sa ika-limang try.
CSR: Hello ,Good Morning!
Ako: irereport ko na walang dial tone telepono namin (Parang rewind).
CSR: Anong account number or telephone number?
Ako: 431xxxx, sa akin nakapangalan.
CSR: Wait lang Sir, check ko lang muna.
Ako: (wala naman akong option kundi wait lang, kunting pasensiya pa).
CSR: Sir ito po yung report number niyo, xxxxxxx
Ako: Kanina nag report din ako, din sinabihan ako tatawagan agad pero mag isang oras na walang tumawag sa akin (para akong batang nagsumbong).
CSR: Mag isang oras na nga ho ayon dito sa log.
Ako: Hindi ba ikaw kausap ko? Ano ba name nung kausap ko?
CSR: Hindi po ako kausap niyo Sir pero sorry po at hindi po kami pwedi magbigay ng information?
Ako: Eh ginawa niyang gago kausap niya eh, eh kung ikaw murahin ko gusto mo?
CSR: Wala naman hong ganyanan Sir
Ako: Put.... xxxxx
Naputol na ang linya. Huling reklamo ko na ito sa Bayantel customer service.
Nag apply na ako ng PLDT dsl.
Goodbye Bayantel.
alfa romeo wiring diagram
6 years ago