Opo, totoo po iyan nabasa ninyo.
Kalsada naging Bangketa.
Ang kalsada naging sidewalk
.
Convertable po ang kalsada natin.
Ang bangketa naging kalsada? Hindi po.
Only in the Philippines na kapag December o malapit na ang Pasko at Bagong Taon ay nagiging bangketa ang kalsada.
Ano naman ang nangyayari sa tunay na bangketa?
Dyaran...Ayan po, naging commercial district na po. Naging "Tiagge". Puno ng sidewalk vendor.
Magkano naman este, papano namang nangyari ito sa mga magagaling nating Pulis,MMDA, traffic enforcer? Hindi ba nila nakikita na delikado ang buhay ng mga naglalakad?
O iba ang nakikita nila? O iba ang kita nila?
Ang daming tanong pero sino ang sasagot.
Saan po ba ito? Saan pa kundi sa Caloocan City, tapat ng dating Uniwide Sales. Pero halos lahat na yata sa Pilipinas ganyan ang negosyo, este systema.
Pustahan tayo?
Punta ka sa Baclaran at lalo na sa Divisoria.
Pulis lang po, este Please lang po at paki aksiyunan naman ito.
Baka naman kung may nasagasaan nang pedestrian ay tsaka na naman kayo mag iimbestiga kung sino ang dapat managot?
Bago may masamang mangyari!
Paging
Mayor Enrico "Recom" Echiverri!
Hello po! Wer n u? D2 n me.
6 comments:
sir pwede sub title dyan kalsada naging pera merry x mas mayor echiveri he2x dito lang talaga sa
pinas yan...
Naku iho ha! Intrega yan. sino nagsabi sa iyo na alam ni Mayor yan? At P70.00 isang araw bawat vendor? Naku ha! Tsismis yan.
Malaking pera nga yan kung totoo yan? Pwedi kayang mamasko?
Dito rin po sa Bayan ng Trece Martires City ganyan , sabi ng mga taga rito kahit hindi pa Christmas meron dun at sa gitna pa talaga ng kalsada, kaya malayo ang nilalakad naming mga commuters dahil hindi pwedeng dumirecho ang mga sasakyan kinakailangang mag detour pa para makasakay ulit...sabi malaki raw kinikita ng Munisipyo sa ganung paraan kaya umuunlad ang bayan ng Trece. Malaki raw kasi bigay na rental fee ng mga nagtitinda sa Tiangge. Sana may mapaglagyan sila na malawak at maayos na lugar dito para hindi sagabal sa trapiko. Wala sanang problema kung napag paplanuhang mabuti ang mga bagay-bagay para sa ikauunlad ng ating bayan.
Madali namang malaman kung sa munisipyo o sa bulsa ng taga munisipyo. Kawawa talaga ang mga tao naging estorbo sa negosyo. HUWAG KAYONG BUMILI SA MGA YAN AT TIYAK MAG AALISAN YAN.
aba eh bilang isang taga divisoria isa ako sa makakapagpatunay na ang kalsada sa divisoria ay ginawa nang bangketa at ang masahol jan ginawa na din tirahan akalain mo dun na din natutulog kasama ang mga paninda. 24/7 mas mahal siguro ang rentahan mas malaking kita.
Aba naman, que horror, que barbaridad,queso de bola. Malaki nga ang kinikita ng mga collector, este vendor. Kasi ang rentahan ng pwesto kasama na tirahan. 2 in one. Salamat sa feedback at amuyin nalang muna natin ang paligid este simoy ng Pasko diyan.ppres
Post a Comment