Saturday, November 29, 2008

Masayahin Ka Ba?

Text sa akin yan ni Deo kagabi.
Siya: Bakit ba puro ka putik at ambaho mo pa?
Kausap:Nakita mo ba yung kanal duon sa harapan?
Siya: oo bakit?
Kausap: Puwes ako hindi konakita! Masaya ka na?
Ayos ano? Ok ba sa joke?
Masayahing tao si Deo. Anf sarap ka jamming. Kahit sa text lang solve ka na.
Masarap kasama ang mga masayahing tao. Gumagaan ano mang suliranin meron ka.
Hindi pinag aaralan ang pagiging masayahin. In born kumbaga.
Marami kasing tao makita mo lang ang mukha nakakaasar na. Nakikita kasi sa mukha kung mukhasim ka. Mukhang maasim ba na o masungit.
Tiyak yun kapag nakausap mo puro reklamo aabutin mo. Puro problema niya at nafe feel mo na lang na parang ang bigat na rin ng problema mo.
Pero may mga tao naman na seryoso ka na, puro patawa pa rin. Alin ba gusto mo makasama?

Ako mas gusto ko yung masayahin. Puro goodtime kausap. Kaya lang kung minsan ingat din.
Lalo na kung iniikot-ikot niya yung daliri niya sa ulo para pumulopot ang buhok.
Tapos ngingiti din titingin sa iyo.
Takbo na kapatid baka biglang manaksak patay kang bata ka.

Masayahin lang sabi ko, huwag namang baliw.
Masayahin ka ba?



I found the greatest marketing idea of all time - in a FREE ebook found HERE

Need Job?

Friends, Readers, Fellow Bloggers - Just recieved a text from my Boss that reads:
Need urgent refferals such as Lady Account Executives, Food Warehouse Production head, Manufacturing Plant Manager, Food Technologies, Male encoders, Motorized messengers. Please call 6664093 Time: 3:00 PM Tomorrow, Sunday 11/30/08
Please look for Mary Fe.
There you go. Makabawas man lang ng isang taong walang trabaho ay malaking bagay na.
Mary Fe is our former Human Resources Personnel.
Kapag natanggap kayo, message na lang kayo dito masaya na ako.



I found the greatest marketing idea of all time - in a FREE book found HERE

Thursday, November 27, 2008

MaC Arthur Ni Bob Ong


Maaga akong umalis kahapon. Baka kasi ma traffic ako. Halos 7:30 pa lang ng umaga umalis na ako. Pupunta kasi ako bandang port area. Malapit dun sa may bandang Fort Santiago. Alam niyo yun?
Pasyalan namin nung nasa high School pa kami.

Pero bago ako umalis nakita ko ang salansan ng mga books ni Bob Ong.

Opo! Fans talaga ni Bob Ong ang mga anak ko.
Ang unang nabili ni Mae ay ABNKKBSNPLAko? at magmula noon ay inisa-isa na nila ang collection. Naka anim na book na nga sila.
Sabi ko sa sarili ko, bakit kaya hindi ko dalhin ang isang book niya at nang mabasa sa biyahe. Iyong pulang cover ang napili ko. Mac Arthur ang title.
Nabasa ko yung unang book na nabanggit ko kanina at talagang naaliw ako ha!
So pagsampa ko ng FX, inumpisahan ko nang basahin. After ilang pages medyo napaisip ako,seryoso ata itis. Ala pa akong nakikita o nababasang patawa. Pero maganda ang takbo ng istorya. Pati mga discription at dialog.
Feel na feel mo talagang nasa iskwater ang location at pati mga charaters.

Ang apat ng barkada na sina Xyrus, Noel, Voltron at jim ay nabigyan ng makulay na buhay at character. Dito umikot ang istorya. Nasamahan ng ibang character na kakatuwaan niyo rin.
Tiyak yun!(Ala El Shaddai).
Medyo muntik na akong maiyak sa huling mga pahina. (Nahiya kasi ako sa katabi ko).
Honestly, nangilid ang luha ko.
May moral lesson na maiiwan dito. Akma ang title sa istorya. Gleng! Gleng!
Hindi ko alam kung mabilis lang akong magbasa o dahil sa bagal ng daloy ng traffic,
akalain mong matapos ko ang book bago ako bumaba ng sasakyan.
Mas mabuti na talaga ang may binabasa kaysa matulog sa sasakyan.
Gaya ng mamang katabi. Grabe tsong, hilik to the max.
O sige, basahin niyo na lang at tiyak mag enjoy kayo. Mac Arthur ni Bob Ong.
Ayan yung ibang book niya. Nasa Baba.
ABNKKBSNPLAko?!
Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?
" href="http://www.visprint.net/publications/bob/book3/index.htm">Ang Paboritong Libro ni Hudas
Alamat ng Gubat
Stainless Longganisa
McArthur

Wednesday, November 26, 2008

Greet your love ones Early -sabi ng Telco


Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa nasagap kung balita this morning habang nanood ng TV.
Akalain mo ba namang bumati na raw tayo ng maaga sa ating mga minamahal para maiwasan ang hirap ng traffic sa darating na Pasko (Christmas) at Bagong taon (New Year).
Ano sila hilo? Ano palagay nila sa atin uto-uto. Hoy, ibahin niyo ang mga pinoy noh!
Anong palagay nila sa pag bati throught cellphone - package ba yan na aabutin ng isang buwan. Sulat ba yan na na tra trafic sa post office at suerte mo pa kung dumating sa iyo. Kung dumating man sa iyo na galing sa post office ay siguradong bukas na ang kahon o sobre.
Ano yan door to door delivery na kahit bayad ka na pag papadala ay naka abang pa ang nag deliver at parang nag aantay ng lagay o tip..
Nakaka-highblod hindi ba mga tsong. Ganun ba talaga ang mag matatalinong negosyante?
Sa halip ng mag isip ng solosyun sa problema ay ipasa ang problema.
"Mahirap mag send at recieve ng text sa Pasko at New year, magpadala na kayon ngayun"
Hoy! neknek niyo. Ibahin niyo ang pinoy.
Yung anak ko nga kung kailan papasok sa school at saka gumagawa ng assignment eh.
Kung sabagay hind ko siya masisisi. Kasi ba naman nag ask siya sa Teacher niya kung nagagalit ba ito kung walang ginawa ang estudyante niya?

Teacher- "op course not my dear, bakit naman ako magagalit kung wala ka namang ginawa?
Anak ko- "Mabuti naman mo. Mam, hindi ko ho ginawa assignement ko!

Ayun, ipinatawag ako ni Mam at pilosopo daw ang anak ko.

Balik tayo dun sa pag text at pagtwag ng maaga ha, ano ba sa palagay niyo mga tsong?
Papayag ka ba? Kung payag ka sige at text na hani.
Merry Christmas na rin at Happy new year.
Happy three Kings.
Happy Valentine.
Happy Happy Birthday na rin at lahat ng Happy na maisip niyo.

Up to year 2010 na yan para makatipid at mapa aga.
Leche! (sabi nga ni reyna elena).

Monday, November 24, 2008

Ganito sila noon, Paano tayo ngayon(bata pa ako)


Angel of Father Blogger dot com emailed me
this one and I just thought sharing with you

TO ALL THE KIDS WHO WERE BORN
in the 1950's, 60' s, 70's

even early 80's !!


First,some of us survived
being born to mothers
who did not have an OB-Gyne

and drank San Miguel Beer
while they carried us.

While pregnant,
they took cold or cough medicine,
ate isaw, and didn't worry
about diabetes.



Then after all that trauma,
our baby cribs were made of hard wood
covered with lead-based paints,

pati na yung walker natin,
matigas na kahoy din
at wala pang gulong.



We had no soft cushy cribs
that play music,
no disposable diapers (lampin lang),

and when we rode our bikes,
we had no helmets, no kneepads,
sometimes wala pang preno yung bisikleta.

As children, we would ride in
hot un-airconditioned buses with wooden seats
(yung JD bus na pula),
or cars with no airconditioning

& no seat belts
(ngayon lahat may aircon na!)


Riding on the back of a carabao
on a breezy summer day
was considered a treat.
(ngayon hindi na nakakakita
ng kalabaw ang mga bata)

We drank water
from the garden hose
and NOT from a bottle
purchased from 711
(minsan straight from
the faucet or poso)


We shared one soft drink bottle
with four of our friends,
and NO ONE actually died from this. Or contracted hepatitis.


We ate rice with star margarine,
ate raw eggs straight from the shell,
and drank softdrinks with real sugar
(hindi coke zero),
and we weren't sick or overweight kasi nga......


WE WERE ALWAYS OUTSIDE PLAYING!!
We would leave home in the morning and play all day,
and get back when the streetlights came on.
Sarap mag patintero, tumbang preso, habulan at taguan.


No one was able to reach us all day
(di uso ang cellphone at walang beepers).
And yes, we were O.K.


We would spend hours
building our wooden trolleys
(yung bearing ang gulong)
or plywood slides out of scraps
and then ride down the street,
only to find out we forgot the brakes!
After hitting the sidewalk

or falling into a canal
(sewerage channel) a few times,
we learned to solve the problem
ourselves with our bare & dirty hands.

We did not have Playstations,
PSP's Nintendos, X-boxes,
no video games at all,
no 100 channels on cable,
no DVD movies,
no surround stereo,
no IPOD's,
no cell phones,
no computers,
no Internet,
no chat rooms,
no Friendster,
no YouTube,
no multiply....


WE HAD REAL FRIENDS
and we went outside
to actually talk and play with them!

We fell out of trees,
got cut, broken bones and teeth
and there were no stupid lawsuits
from these accidents.

The only rubbing we get
is from our friends with the words..
masakit ba?


pero pag galit yung kalaro mo,
ang sasabihin sa iyo..
beh buti nga !


We played marbles (jolens) in the dirt ,
washed our hands just a little
and ate dirty ice cream & fish balls.
we were not afraid of getting germs in our stomachs.
We had to live with homemade guns..


gawa sa kahoy,
tinali ng rubberband,
sumpit, tirador at
kung ano-ano pa
na puedeng makasakitan.



pero masaya pa rin ang lahat.


We made up games
with sticks (syatong),
and cans (tumbang preso )
and although we were told
they were dangerous,
wala naman tayong binulag o napatay.


paminsan-minsan
may nabubukulan lang.


We walked,
rode bikes, or took tricycles
to a friend's house
and knocked on the door
or rang the bell,
or just yelled for them
to jump out the window!

Mini basketball teams had tryouts
and not everyone made the team.
Those who didn't pass

had to learn to deal
with the disappointment.

Wala yang mga childhood depression
at damaged self esteem ek-ek na yan.
Ang pikon, talo.


Ang magulang ay nandoon lang
para tignan kung ayos lang ang mga bata,
hindi para makialam
at makipag-away sa ibang parents.


That generation of ours
has produced some of the best risk-takers,
problem solvers, creative thinkers
and successful professionals ever!
They are the CEO's, Engineers, Doctors
and Military Generals of today.

The past 50 years
have been an explosion
of innovation and new ideas.

We had failure, success,
and responsibility.
We learned from our mistakes
the hard way.


You might want
to share this with others
who've had the
luck to grow up

as real kids.
We were lucky indeed!

And if you like,
forward it to your kids too,
so they will know how brave
their parents were..

Thanks Angel.
Author: Unknown



Blogging 101


Dami ko nakitang title ng mga blog tungkol sa blogging. Iba’t-ibang pautot. Halos karamihan hindi maarok ng aking isipan.

May nga SEO, link building, making comments, achuchu-achuchu at kung ano-anu pang mga eclavo. Kaya naman nag Blogging 101 na rin ako.


Bakit Blogging 101 ang title nitong post?
Kaya ganun ang title ko kasi wala akong maisip na ibang title kung hindi Blogging 101.

Bakit naman 101 at hindi 201, 301, 401, 501 o ibang number?
Mas maganda kasi parang sa school na pre requisite. Tsaka ang 101 ay pagkatapos ng 99 at 100. Pagkatapos naman nitong 101 ay 102, 103, 104 ops tama na baka humaba pa.

Seriously speaking (kahit wala sa Ospital, hehehe). Start na tayo hane…

Hanap ka nang gusto mo sulatan (kahit saan, kahit ano lang). Gaya dito sa binabasahan mong Blogger. Kahit na ano, na pweding sulatan. Opo, kahit na pinagbalutan ng tinapa.

Isip ka ng Title na kahit na naisip na ng iba ay isipin mo na lang na bagong isip lang yan.

Lagyan mo ng laman. Kahit na ano. Gaya nitong binabasa mo. Huwag lang ang ilalaman mo ay mapapanis at mangangamoy. Baka bugbog abutin mo o kaya puro mura ang marinig mo.

Tignan mo ang forte mo or style mo ng pagsusululat. Para medyo komportable ka at relax ang pagsusulat mo. Kung sa mga likod ng upuan ng mga Bus ka mahilig magsulat, itigil mo na tsong at baka kulong pa abutin mo. Huwag sa mga ganun kasi Vandalism yan.

O ayan ha. Kung tapos ka na sa pag susulat ay iba naman ang asikasuhin mo.
Yun namang magbabasa ng mga sinulat mo ang hanapin mo.
Kung gusto mo, wait mo muna ang isang topic ko na isusulat pa lang.

Reading 101 naman. Okey ba nga Tsong?
Sagot naman kayo diyan kung okey?

Teka! Teka, papano ba kumita dito sa blogging?
Teka rin ha, ang sabi sa title blogging 101 at hindi naman earning 101.
OO nga naman.
Hirap ng walang magawa ano? Kaya pala nakakabaliw ang Blogging!
Blogging na rin kayo.





Gaya-gaya, Puto Maya


Likas na ata sa ating pinoy ang pagiging gaya-gaya, puto maya.
Akalain mo, magmula ng manalong Presidente ng America si Barrack Obama ay puro Obama na halos ang mga tao dito sa lugar namin. Hindi lang yun ha, pati mag alaga nilang pet yun na din ang name. Obama!
Kahapon pag uwi ko nakasalubong ko yung pinsan ko at susuray suray.
Ako: Oh! Tonyo saan ka na naman naka langhap ng alak at susuray-suray ka?
Tonyo:Insan diyan lang kina Obama.Nag birday, nagpa inom?
Ako:May bago ba tayong kapitbahay?
Tonyo:Wala,ikaw kasi hindi ka nag iistambay dito sa kalye.Si Nognog, Obama na ngayun tawag sa kanya.(Pa bulyaw na sabi)
Ako:Walandyo ka rin eh hindi naman maitim yun. Ulikba yun.Uling na yun, Obama ka pa diyan.(sabay iwan ko sa kausap ko).
Hay buhay. Bakit kaya tayong pinoy kung ano ang uso lahat ganunu din.
Nung nauso ang bintahan ng litsong manok, lahat nag business ng litsong manok.
Nung nauso ang fishball, lahat naki binta ng fishball.
Nung na uso ang bintahan ng kalamares, lahat nag binta na rin ng kalamares.
Bakit nung inatake si Big Mike Arroyo walang gumaya.?Talaga atang mahaba ang buhay ng Obama este ng masamang dano! (Correction:Nag tae lang po pala!Doon pa sa abroad)
Yung Arowana ng kapitbahay ko naulinigan ko Obama na rin ang tawag.
Paki expalin nga mag repapeps bakit ganun ang mentalitity natin.
Pareng Obama.

Saturday, November 22, 2008

Pwede Ba Sa Iyo Magreklamo?

Ako kasi ang taong ayaw ng away kaya kadalasan ay tumatahimik na lang ako.
Ito kasing Mrs ko hindi ko maka usap ng matino. Kapag ask ko siya kung anong oras umalis o dumating mga tao o ang isang bagay sa amin, ang sagot lagi kung ano ang palabas sa TV. Laban ka?
Ako : Ano oras ba pasok ni Lanie mo bukas?
Mrs : Unang Hirit pa.(Meaning umaga)
Ako : Anong oras na ba nakarating si Melvin?
Mrs : Maaga pa, Eat Bulaga pa nga eh. (Meaning tanghali).
Ako : Anong oras tayo aalis papuntang clinic?
Mrs : Pagkatapos ng Daisy Siete?(Meaning hapon).
Ako : May tumawag daw diyan sa bahay kanina? Ano oras iyon?(Over the phone)
Mrs : Hindi ko napansin, siguro Lovely Day na yun?(Kunot ang nuo ko)
Oh! Hindi ba ang hirap kausap ng Misis ko?
Eh! Hindi ko pa naman tanda mga palabas sa Channel 7. Certified Kapuso daw siya, sarado na kandado pa.May lock pa at d kumbinasyon pa ha. Hirap buksan nun ha!
Nireklamo ko na yan sa kanya , kaya nga mukhang sirang plaka na ako sa pag sasabi nito sa inyo pero hindi naman...pero hindi naman...pero hindi naman...pero hindi naman - hindi ba?
Nilapitan ko itong kapitbahay ko na si Aling Maria, ang sagot ba naman sa akin ay kausapin ko daw ang My Husband's Woman niya. Ano ako Hilo?
Tingin ko nga para na akong Survivor sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Kung minsan naiisip ko, ano kaya kung kayo ang nasa lagay ko. Ano kaya ang ma-feel niyo? Baka ma Lalola na kayo sa kakaisip? Kahit si Kapuso Mo-Jessica Soho ay mahirapan siguro umunawa. Naibulong ko ito kay Luna Mystica at Gagambino, inginuso naman ako kay Asero.
Kanino kaya pwede mag reklamo? Pwede ba sa iyo mag reklamo?
May nag sabi sa akin Kay Susan Tayo magreklamo pero nag-dadalawang isip ako. Baka ma Imbestigador ako mahirap na. Kay buti-buti at walang Emergency na nangyayari.
Nilapitan ko minsan si Mel at Joey nung natiyempuhan ko isang blogging event- Ka Blog ko kasi eh, baka ito pa raw ang simula ng Family Feud?
Napag isip-isip ko rin kung Kakasa ka ba sa Grade 5? Back out ako diyan.
Minsan naman nadaanan ko sina Rosalinda, Sakurano, Jacky Chan, Doraemon, Pokemon at Street Fighter na nasa harap din ng TV at nanood. Mga barangay tanod ito tapos halos 24 Oras kung manood ng TV. Halos Walang Tulugan na sa Nut’s Entairtainment na ginagawa nila. Akala kasi nila ay nasa Bitoy’s Funniest Moment sila lagi. Isinulat ko na lang sa Reporter’s Notebook na sa Barangay nakalagay.
Dapat daw ay may I Witness kung hindi ay isa itong Case Unclosed.
Hay buhay! Kung ganito lagi ay Saan Darating ang Umaga? Maituturing itong isang Pinoy Records dahil nahukay sa ilalim na Takeshi's Castle ang record ng Celibrity Duet at pwede maging topic sa Star Talk.
Wish ko lang! Ito na lang ang pray ko. Matapos na sana itong pag durusa ko.
What do ya think friendship?
Pwede ba sa iyo magreklamo? Paki bigyan na tuloy ng solusyon hane!

Thursday, November 20, 2008

High School Reunion-Try mo!

After 33 years nga po mga kapatid before this happened. Opo, tama po ang basa niyo, after 33 years ay nagkita-kits kami ng mga high school classmates ko sa Manila High School (Intramuros, Manila). Isang text lang ni Pia at nai set na ang araw na iyun. Kung ikaw, may maalala ka pa kaya? High School reunion -Try mo din.
November 15, 2008 is the date. 3:00 O'clock PM sabi sa text kaya by 1:30 umalis na ako ng branch going to the place. Nung high school kasi ako, lagi ako maaga pumasok. Medyo na miss ko lang ng kaunti ang pumasok na maaga.

3:00 O'clock nga ata sila umalis ng bahay. Joke lang po ha. Pero pagdating naman nila ay complete na ng pagkain ang everything kaya okey lang mag wait kung ganun lagi.
Ang tagal pala nila ako hinanap kasi year 2000 pa lang daw ay nagkikita-kits na sila.(Nasa Provincial assignment ako nun).
Yung iba naman ay mag kaklase nung college. First time ko kasi naka-attend ng ganito kaya nagbalik ang aking pagiging mahiyain.
Mahiyain talaga ako nung high school kahit pogi naman ako(Hmmmp! Ang komuntra pangit!).
May nanggaling pa ng Naga. Ang ever beautiful na si Cecil. Muntik nga akong malaglag sa bangko nung ask niya ako kung sino ang crush ko nung High school. Ang pasimuno daw nito ay si Cesar na hindi nakarating.
Hindi ko na maalala sa dami ng crush ko nuon. Pero dahil nga sa mahiyain ako, itinago ko na lang. Me memory gap na ata talaga ako para maalala ang mga bagay-bagay na gaya nun.
Pero bilib din talaga ako sa kanila. Tanda pa nila nga name (Full ha!) ng mga classmates namin.

Dun ko nga rin nalaman na nakapunta pala sila sa bahay namin nun sa Ongpin. Siguro sa susunod na pagkita-kits namin madami na ako ma recall. Need ko lang ng trigger to remind me of the happy days. Yung mga time na jukebox ang uso at hindi karaoke. Vinyl records o plaka at hindi CD,VCD at DVD. Rock bands ang uso nun na tumutogtog sa sayawan.(Tagal na noh).
Yun bang ang Fort Santiago at Luneta ang aming pasyalan.

Going back sa Pasay City:
In fairness parang walang nagbago sa mga babae naming classmates. Magaganda pa rin tulad ng dati. Sa mga lalaki naman, may tumangkad ng kaunti kaya lang medyo "arabo" na at "shagi".
Magagaling kumanta ang mga babae namin na sina Pia, Roda Cecil at Medi. Si Deo halatang sanay sa videoke. Salamat Abe at dahil sa iyo nagkalakas ako ng loob kumanta(puro umpisa nga lang). Si Des naging komedyante samatalang mahiyaing matsing din nung araw. Tuwang-tuwa ako kapag tumatawa si Medi dahil sa mga jokes ni Des(Desiderio ang tunay na name).
Siyanga nga pala, salamat ng marami Rolly (ang guapong other half ni Roda) sa iyong pag asikaso sa amin. Mabuhay ka kapatid!

High School reunion - Masaya pala talaga.
Nalimutan ko na nga na birthday ni Lanie ko nung araw na yun. Pasensiya ka na anak at pa minsan-minsan laang naman ito.

Until next issue mga Tsong, Babu!

(Thanks Pia sa correction ha!)

Wednesday, November 19, 2008

MRT, grasya o disgrasya


Matagal-tagal na rin akong hindi nakasakay sa MRT. At kung nakasakay man ako ay hindi naman rush hour.
Kahapon ay na experience ko ang actual situation kapag rush hour kaya nga naitanong ko kung ang MRT ba ay talagang grasya o disgrasya sa mga commuters?

Grabe ang inabot ko mga tsong. Para akong nagpamasahi (massage) ng libre at lahat ng katawan ko nabugbog.
May meeting kami sa Mandaluyong ng mga 8:30 AM so naisip ko mas madali ang mag MRT at isa pa mas matipid and walang polusyun.
Sa Quezon Boulevard station na ako sumakay. Actually, nagulat din ako kasi kay dami at kay haba ng mga tulay (paikot ha) na pwedeng lakaran sa lugar na iyon. Gawa ng MMDA. Pero wala pang mga vendor ha.

Madali namang pumasok at bumili ng ticket, pero nung sakayan na sa coach ay ibang istorya na.
Para kang nakikipag patentiro sa mga ibang pasahero para makasakay.
Kinailangan ko tumakbo at maghanap sa ilang coach na pwidi pang makapasok. Pangatlong try ko ok na. Medyo nakapasok naman ako sa gitna ng pintuan. Kasi naman karamihan parang hanggang duon lang humihinto.

Pagdating sa next station ayun na po. Parang may malakas na pwersa at malakas na hangin na dumaluyong sa amin na nasa loob ng train. Ang tindi ng tulakan at tila muntik na kaming lumabas sa kabilang pinto. Grabe, over na over sa lakas. Buti lang at walang lumabas na masamang amoy o napautot nung time na yun. Kung hindi ay baka nahimatay na ako.

Ganda ng pag ka plantsa ng damit ko nung pumasok ako, paglabas ko -luray-luray na ito.
Linktik pa kasi itong nasa harapan ko, kung ano-anu ang dinudukok sa bulsa niya at nabubunggo itong aking si "pedro". Ganun din sa likuran ko. Parang dinudukutan ka na yun pala mga cellphone ang kanilang kinukuha.

Pag dating sa next station ganun pa rin ang istorya. Naiisip ko tuloy na ganun din ang feelings ng mga sardinas. Ang hirap pala.
Ang matindi pa huminto ng mga ilang minuto dahil nasira daw yung naunang train dahil sa siksikan. Yung pintuan ang nasira. Dapat kasi puro pinto ang ginawa nila para walang siksikan.

Imagine mo naman na parang kang nagbabaging ng matagal para hindi ka maitulak palabas na pinto. Dito ko narealize na talagang matalino si Lord. Bakit kamo? Kasi yung kulang sa height ay lamang. hindi na sila kakapit sa hawakan at mangangawit. Hahawak na lang sila sa necktie mo o bag mo sabay ngiti at sabing "pahawak lang po".

Kaya pala kapag sumakay ka ng MRT ay dapat madasalin ka. Na wala sanang mangyari sa iyo sa loob ng train.

Paglabas ng train ay ganun din ang istorya. Kapag nanggigil ang nasa likuran mo at buong puersa ang ginamit sa pag labas, sorry ka na lang tsong, lahat ng tao,bag o ano mang dala mo maisasama sa paglabas niya.

Hay buhay, hinid na uli ako sasakay ng MRT kapag rush hour.
Kaya nga ang tanong ko , Ang MRT ba ay grasya o disgrasya sa mga commuter?

Sana ay magawan nila ito ng paraan sa pamamagitan ng pagdagdag ng train sa mga oras na iyon. O kaya naman ay puro pinto ang ilagay nila.
Any other suggestion?

Saturday, November 8, 2008

Survivor Philippines, Mga aral


Picture source: Survivor Philippines
May mga aral na mapupulot dito sa panonood ng Survivor Philippines. Agree ka ba? Medyo hindi ako naka-panood nitong huling mga araw. Pero kagabi ay naispatan ko (dahil sa pag basa ako ng kaunti ng blog ng iba) hindi ko napansin ang oras na gabi na pala. Oras na ng Survivor Philippines kaya nanood na rin kami ng Family ko. Habang tumatakbo ang mga eksena ay naisip ko na alamin na rin sa mga anak ko( na gising pa nuong oras na iyun) kung ano ang mga bagay na napansin nila sa mga character na bumobuo ng nasabing palabas? May mga bagay ba o ugali silang napansin?

Siempre galit din sila, gaya ng marami kay Marlon. Isa siyang "user" o manggagamit. Magulang, to the point na kaya niya ginagawa ang isang bagay ay upang mayroon siyang pakinabang. Ginamit niya ang pagkakataon na naiwan sina Cris at Kaye (dahil sa Immersion experience nina JC, Zita, Rob at Kiko) upang magkaroon ng galit ang dalawa sa apat na dating kasama sa Naak tribe. Kung ganun siya sa tunay na buhay ay mahirap siyang maging kaibigan sapagkat siguradong gagamitin ka lamang niya sa kanyang advantage.

Sina Cris at Kaye naman ay nagpagamit kay Marlon at sa dalawa pang dating Jarakay Tribe. Hindi ba nila naisip na lumipat lamang sila mula sa kama papunta sa banig. Kung magkaroon sila ng alliance na lima, sino kaya ang pipiliin ni Marlon kapag dumating ang panahon na mag-iiwan ng tatlo. Hindi ba ang dalawa niya dating ka tribu ang pipiliin niya. Sa buhay natin ay decision making ang pina-importanting parte ng ating buhay. Sana lamang ay nilinaw nila Cris at Kaye sa dating kasamahan nang harapan ang mga gumulong bagay sa kanilang isipan. "Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwag".

Sina Kiko, JC, Zita at Rob naman ay naging over confident na solid ang grupo nila kaya parang hindi na nila inalam kung ano ang nangyari nuong wala sila dahil sa immersion experience nila.Yun ang sa tingin ko ang pinaka malaking pagkakamali nila. Naging mayabang pa nga si Rob sa pagsasabing kasama si Marlon sa iiwan nila. Hindi ba niya napansin na sa sobrang tiwala ni Marlon sa nabuo niyang bagong alliance ay may pag-sarcastic na ang mag biro niya. Ngiting demonyo kumbaga. Communication ang importante sa isang samahan. Kung inalam lang sana ng apat ang nangyari nuong wala sila ay maaaring naagapan nila ang pagkasira ng Naak tribe. Kinakain na ito ng intriga na itinamin ng mga Jarakay tribe to survive. Hindi alam ni Kiko at Zita na sila ang nasa listahan na aalisin ng lima.

Wala akong masabi kay Veronica sapagkat isa siyang warrior. May angkin siyang tatag ng loob at karapat-dapat din siyang manalo.

Si Charize ay hindi consistent sa kanyang mga sinasabi at ginagawa. Ginagamit niya talaga ang utak niya to survive in this game. She is playing her card well. Marlon jr-kung tama ang hinala ko pero mas mild nga lang.

Bilib din ako kay JC dahil sa tingin ko ay fair game din ang gusto niya gaya ni Kiko at Zita.
Ang problema lang ni Kiko ay ang pagbibigay niya ng advise o payo na hindi naman hiningi ng isang tao. Lumalabas tuloy na mayabang siya at alam niya ang lahat ng bagay.

Ang ditirminasyun ni Zita at mga pangrap sa buhay ang nagbibigay ng lakas at tatag ng loob sa kanya upang ipagpatuloy ang laban.

Sa huling tribal council nila ay nabitin ng hindi binasa ang pang-limang boto na hahatol kung sino kina Marlon at Kiko ang lilisan sa islang iyun. Ang hula ko ay si Kiko ang lilisan.

Hindi kaya napansin o naisip ng dating Naak tribe ang purpose kung bakit nanduon si Jace (ang huling naalis sa tribal council)? Hindi siya pinayagang magsalita.

Over confident nuon si Jace na hindi siya ma vo-vote out pero laking gulat niya ng pangalan niya ang lumabas sa botohan. Huwag maging kampanti sa ano mang ginagawa natin sa buhay. "Don't be caught off guard" so to speak.

Hanggang sa susunod na episode ng Survivor Philippines mga tsong, tsang-Babu!

Wednesday, November 5, 2008

Bayantel DSL, part 2

Kahapon may nag appear na service representative ng Bayantel at napag isipan na baka ito ang sira at siempre palit ng bago. Ang ADSL splitter raw ang may topak.

Super tuwa ang mga dyanakis ko kasi okey na raw. Nasa office kasi ako nung time na yun at hapon ko na natawagan at nakumusta ang nangyari sa dsl connection namin.

So pag uwi ko try naman ang lolo mo. Okey na mga, siguro mga 1 hour na siya okey then ma dc (dis-connect) uli.

Ang gagawin namin, patayin si modem ng two minutes at pag kabuhay mo ay okey na uli.
Para tuloy November 1 ang feelings namin dito sa Bayantel DSL namin. Kailangan mo muna patayin si modem bago mabuhay uli ang connetion niya.

Oh may God, que barbaridad!
Any Idea kung mas maganda ang PLDT DSL vs Bayantel DSl?
Or Globe DSL vs Bayantel DSL?
Paki-sagot naman po mga kapatid.
Help! Saklolo.
Ito po ang istorya ng Bayantel DSL part 2. (Snow ganito ba ang SEO?)
Babu muna at abangan ang susunod na kabanata!

Tuesday, November 4, 2008

BAYANTEL DSL, problema ko

Mga Tsong and tsang, halos one week na akong nagdurusa dito sa Bayantel dsl namin. Dito ako sa area ng Quezon city.
Alam niyo ba yung tipong suerte mo kapag hindi maputol ang connection namin ng dsl sa loob ng ten minutes. Opo, ten minutes or 600 seconds.
Okay naman ang Customer service nila katunayan ay alam ko na nga mga sasabihin nila. After verifying your information.
Last week-"Paki patay po muna ang modem ng ilan minutes, would it be alright".Makalipas ang ilan sigundo na umabot ng ilang minuto,"Paki on na po and moden natin"."Ok naman po dito, nung ne-reset ko ay working na ho.Baka diyan sa computer niyo.Anyway may report number na naman ho ito baka papuntahan na lang ho diyan.
Sunday may nagpunta and after ilang tries sa pag reset ng modem at re-start ng pc,"Parang may virus ang pc niyo pero palitan ko ho modem niyo mukhang sira na ho."
Nung napalitan ay biglang nag magic,na connect siya ng 1 hour.
Sa ngayun ay ganun pa rin, parang patak ng ulan ang pag connect namin sa Bayantel dsl.
Ate Helen and Ate Charo, paki help naman po. Okay po ba ang PLDT dsl or Globe DSL dito sa Quezon city? Alin-alin,alin kaya sa inyo?Ang pipiliin ko.Paki tulungan naman po ako.
Sabi nga nila"Gaganda pa ang buhay" dun sa website nila.Ano po sa palagay niyo.
Ayun sa nakausap ko kagabi, pupuntahan na lang daw ang lugar ko at titignan ang linya. Sana po ay makita na nila.
Isa na namang kuwento ng Bayantel subscriber na gustong lumipat ng PLDT dsl o Globe DSL.
Saan kaya hahantung ito?Lahat na ata ng Santo natawag na ng mga anak ko para huwag maputol ang connection pero no kindo.
Babu at baka maputol uli.