
Will the real Manny Pacquaio please stand up? Is his change of preferred television channel to beam his fight because of the money matters?
Ang laban ni Manny Pacquaio at Ricky Hatton sa May 2 ay sa channel 2 daw mapapanood sabi niya last week sa isang Flash Report ng ABS-CBN. Two nights niya personally inanounce.
Nakakagulat hindi ba? Opo, nakakagulat. In fact pati Solar Sports (a block timer with GMA 7 ) ay nagulat. Pero siempre ang ABS-CBN ay ang nanggulat.
Talaga bang ang pambansang kamao ay mukhang pera na at wala na bokabularyo ang katagang prinsipyo?Ang katagang "Palabra de Honor" ay wala na sa kanya at pabigla-bigla nalang kung mag desisyun. Mukhang sanay na sa pagdemanda at mademanda.
Mabuti na lamang at nahimasmasan at naintindihan niya ang kanyang ginawa at naayos ang kanilang gusot ng Solar Sports at MP promotion.
ang kanya na lamang abogado na si Atty. Franklin Gacal ang nagbasa ng kanyang mensahe:
"Ang inyo pong lingkod, si Manny Pacquiao, ay nais iparating sa lahat na matapos ang masusing pag-aaral at pagtimbang-timbang namin ng Solar Entertainment Corporation napatunayan na ang kontrata tungkol sa TV rights ng aking mga laban ay valid and binding at hindi nilabag nino man.
"Dahil po dito ay taos puso akong humihingi ng paumanhin kung kayo man ay naguluhan kung saan ipapalabas ang aking darating na laban kay Ricky Hatton. Ito po ay resulta lang ng hindi pagkaka-intindihan sa pagitan ng Solar Entertainment Corporation at MP Promotions. Sana ay maunawaan ng lahat."
[Yours truly, Manny Pacquiao, wants everyone to know that after our close study and consideration with Solar Entertainment Corporation we have proved that the contract over TV rights of my fight is valid and binding, and nobody violated anything. In light of this, I'm asking with all my heart for forgiveness from anyone who might have been confused as to which network would air my coming fight with Ricky Hatton. This was merely the result of a misunderstanding between Solar Entertainment Corporation at MP Promotions. May everyone undertstand.]
Sabi ng kapit bahay ko-"nek-nek mo!" sana matalo na si Manny kasi parang sobra na siya sa yabang. Para matauhan daw na hindi lamang pera ang mahalaga sa buhay natin.Sobra-sobra na nga ang binigay ni Lord sa kanya hindi pa makuntento.
Imagine mo naman, may two shows na siya sa GMA 7 at tela marami pang plano para sa kanya. Kung ganun ang takbo ng utak ng pambansang kamao, aba dapat mag isip-isip na rin ang istasyun na ito.
Pano ka naman magiging Congressman o Senador Manny kung ganyan ang takbo ng utak mo?
Sa ngayun ok na uli, pero sa susunod? Abangan uli ang susunod na kabanata.