Saturday, February 6, 2021

Philippine Allstarlink

 Hello, Halos sampung taon na pala ang lumipas.

Isa na akong retirado at ang tanging libangan ay mag radio at maki-paglaro sa aking 4 na taong gulang na apo na si ollie.

Napakarami na ng pagbabago pero bago iyan ay nais ko munang ibahagi ang aking bagong libangan na ang tawag ay "Ham Radio" or Amaturista sa Radio.

Marami itong aspeto at kung ating pag uusapan ay napahirap tapusin. Sa ngayon ay sapat na muna na ipa-alam ko sa inyo ang bago naming nabuong samahan na ang katawagan ay 'Philippine Allstarlink Hub system".

Naging mapalad ako at napasama sa mga bumuo nito, kasama ang ibang mula dito sa Pilipinas at Estados Unidos. Ang layunin ay mapag-buklod at mapag-isa ang buong Bansa at buong mundo sa iisang "hub/node" o isang pusod, upang makapag usap at mabilis ang pag bibigay ng ulat o mensahe hindi lamang ng mga kapwa Pilipino na naninirahan saan man dako ng mundo o kahit ibang lahi na nais makipag usap sa hub/node na iyan. Mainam din itong daan upang makasagap ng mga bagong balita.
Mayroon din itong Facebook page na Philippine Allstarlink 
Kung ikaw ay isang Radio Amateur na gaya ko, sali at nang makasama ka namin sa pag kamit ng ating layunin.
Hanggang sa muli, Iyan po muna ( Part 1 )

 



Tuesday, May 10, 2011

Bayantel Hotline Bakit ka Ganyan!

Tinamaan ng lintik, tumaas ang high blood ko kaninang umaga lang po.
Bakit ika niyo?
Siempre, nag blackout nung Linggo ng gabi sa lugar namin, May 8, 2011 dahil kay bagyong Bebeng.
Okay lang naman at masarap pa rin ang tulog ko dahil malamig naman ang kapaligiran. Comportable pa ring napahimbing ang tulog ng lolo niyo. Maaga akong nagmeme dahil sa aatend ako ng meeting kinabukasan, Lunes, May 9, 2011.
Nag text si kumander mga bandang 10:00 A.M. na wala daw kaming koneksiyong sa teleponong Bayantel namin.
Bakit nga laging kamag anak ng telepono ang kuryente. Kung walang kuryente nawawala rin ang telepono.
Sobrang busy ng lolo niyo at hindi ko na naitawag sa tinamaan ng magaling na Bayantel na sira ang aming linya.
Martes na, ngayong umaga mga past 10:00 nang maitawag ko sa 4121212 at ito ang nangyari:
Kringggg! kringggg! mga ilang ulit na kringggg bago may sumagot,
CSR: Hello, Good Morning!
Ako: Good Morning, ireport ko lang na walang dial tone ang telepono namin.
CSR: Ano hong account number or telephone number?
Ako: ah, 431xxxx.
CSR: Kanino nakapangalan?
Ako: Sa akin, (binanggit ko name ko).
CSR: May iba ho kayong contact number para tawagan po kayo?
Ako: 361xxxx.
CSR: Sige sir pagka baba niyo nitong telepono ay tatawagan po kayo tungkol dito sa reklamo niyo.
Ibinaba ko ang telepono at nag isip. matamang pinagmasdan at binantayan kung kekerereng nga ang telepono ko.
Matuling lumipas ang ilang segundo na naging minuto hanggang sa mag isang oras na.
Dial ako ulit sa Bayantel hotline. Ilang subok at naging tagumpay sa ika-limang try.
CSR: Hello ,Good Morning!
Ako: irereport ko na walang dial tone telepono namin (Parang rewind).
CSR: Anong account number or telephone number?
Ako: 431xxxx, sa akin nakapangalan.
CSR: Wait lang Sir, check ko lang muna.
Ako: (wala naman akong option kundi wait lang, kunting pasensiya pa).
CSR: Sir ito po yung report number niyo, xxxxxxx
Ako: Kanina nag report din ako, din sinabihan ako tatawagan agad pero mag isang oras na walang tumawag sa akin (para akong batang nagsumbong).
CSR: Mag isang oras na nga ho ayon dito sa log.
Ako: Hindi ba ikaw kausap ko? Ano ba name nung kausap ko?
CSR: Hindi po ako kausap niyo Sir pero sorry po at hindi po kami pwedi magbigay ng information?
Ako: Eh ginawa niyang gago kausap niya eh, eh kung ikaw murahin ko gusto mo?
CSR: Wala naman hong ganyanan Sir
Ako: Put.... xxxxx
Naputol na ang linya. Huling reklamo ko na ito sa Bayantel customer service.
Nag apply na ako ng PLDT dsl.
Goodbye Bayantel.

Wednesday, April 6, 2011

Holy soap

kunting joke bago mag holy week -Salamat Classmate Abe sa pagpasa mo.




HOLY SOAP

Two priests are off to the showers late one night.

They undress and step into the showers before they realize there is no soap.

Father John says he has soap in his room and goes to get it, not bothering to dress.
He grabs two bars of soap, one in each hand, while he is halfway down the hall when he sees three nuns heading his way....
Having no place to hide, he stands against the wall and freezes like he's a statue.

The nuns stop and comment on how life-like he looks.
The first nun suddenly reaches out and pulls on his manhood.
Startled, he drops a bar of soap.
"Oh look" says the first nun, "it's a soap dispenser".

To test her theory the second nun also pulls on his manhood.
Sure enough, he drops the second bar of soap.

Now the third nun decides to have a go.
She pulls once, then twice and three times but nothing happens.
So she gives several more tugs, then yells....

"Holy Mary, Mother of God, HAND LOTION TOO!




Friday, April 1, 2011

Iblog7 A Success

Mommy Rubz al the way from Cagayan De Oro. May problema ang picture natin Mommy Ruby. hehehe

Iblog7, unang araw (April 1, 2011) na ginanap sa Malcolm Theater, UP College of Law, UP Diliman, Quezon City ay isa na namang malaking tagumpay.
Nasa oras ang lahat ayon sa schedule ng program dahil na rin sa magaling na paghandle nina Flowell Galindez at Atty. Michelle Dy (UP-ISP).
Salamat sa walang sawang pagtulong ni Mam Janette Torral, sa masisipag niyang staff, sa magagaling na speakers, at siempre sa mga mababait na sponsors tulad ng GMA7, TV5, Binalot at siempre sa Samsung. Sarap manalo sa pa contest nila.

At siempre nakilala ko ang mag asawang Ryan at Joan from Pangasinan and Ning Buning, a mom bloggger just like Mommy Rubz.


M
asarap ang snack at Lunch at maraming pinaraffle na prizes
Marami na namang umuwing masaya hindi lamang sa mga napulot na kaalaman na matagumpay na naibahagi ng magagaling na speakers kundi dahil narin sa pagka-panalo sa raffle. Isa na ako duon. Tamang-tama ang pagka loyalist namin sa GMA 7 dahil sa nagwagi ako ng goody bag mula sa kanlia.
Sa naiwang tanong ni Mam Janette, Are we ready for a National Bloggers Association or Professional Bloggers Association?

Sa aking pananaw ay dapat nang simulan, upuan at pag usapan. Papano kung dumating ang time na wala na ang Iblog?
Sino pa ang magtuturo, gagabay at magmamalasakit sa darating pang mga Blogger.
Kung sila mga ay mayroong samahan,

PHILIPPINE INTERNATIONAL HAIRDRESSER ASSOCIATION (PIHAGROUP)
nararapat lamang na mag karoon din ang mga bloggers.


Tuesday, February 1, 2011

Dr. Jose Rizal 150th Birthday (Kung Panahon niya Ngayon)

Photo Source: My Pinoy Humor atsaka Photography Daw Blog

Sa June 19, 2011 ay ika 150th na kaarawan ng ating dakilang bayani na si Dr. Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realondo.

Ang dami nating mababasa tungkol sa ating National Hero (Wikipedia). Kumpletos recados ika nga.

Habang binabasa ko siya ay lalo akong humahanga sa kanyang angking talento, galing at pagkabisaha sa lahat ng larangan na kanyang pag tuonan ng pansin.

Isipin mo na lang ha, makipagpatalastasan ka sa mahigit sampung lenguahe. Aba mag aral nga ng Spanish na lenguahe may nakakakuha pa ng Singko.

At ito pa: (Source:Wikipedia)
He was an ophthalmologist, sculptor, painter, educator, farmer, historian, playwright and journalist. Besides poetry and creative writing, he dabbled, with varying degrees of expertise, in architecture, cartography, economics, ethnology, anthropology, sociology, dramatics, martial arts, fencing and pistol shooting. He was also a Freemason, joining Acacia Lodge No. 9 during his time in Spain and becoming a Master Mason in 1884.

Wala tayong pagtatalunan na nag iisa lamang siya, maaaring hanggang sa panahong ito.

Naisip ko lamang ano kaya kung sa batang edad na 35 ay kapiling natin siya ngayon? Mala “Back to the Future” ang tema.

Pwedi kayang kasali siya sa mga bumabanat ng “Fliptop” at sa iba't-ibang lenguahe pa?
Kakampi kaya niya ang mga “Jejemon” o kokontra siya dito?
Mag judge kaya siya sa “Showtime” at ano kaya ang gawing niyang “Sample”?
Mag bigay kaya siya ng kanyang makabuluhang payo bilang isa sa “Trio Tagapayo” ng “Face to Face”?
Maging “Dabarkads” din kaya siya ng “Eat Bulaga” gaya ni “Tito Sotto”?
May column kaya siya sa Philippine Daily Inquirer?
Malamang din ay isa na siya sa mga sikat na blogger ngayon!
Curios din ba kayo kung ano-anu ang mga updates niya sa Facebook at Twitter ?
Ang dami niya siguradong follower sa Twitter? Sino naman kaya ang pina-follow niya?
Magiging politician kaya siya? Malamang ay marami uli siyang maisusulat na libro dahil sa tindi ng corruption ngayon sa gobyerno.

Masaklap nga lang isipin na ang kanyang mga sinulat na Noli Me Tangere at El Filibusterismo na nakagising sa kaisipan at damdamin ng mga Pilipino nuon ay walang epekto sa ating panahon ngayon.
Nandito pa rin ang problema at lumala pa. Tila napalitan lang ng mga characters sa kanyang nobela.

Ang pag-ibig sa sariling inang bayan na kanyang dinala hanggang kamatayan ay tila nawalan ng saysay. Lahat tayo ay guilty dito.
Sana ay may mga batang Jose Rizal pa na muling isilang. At sana ngayong ika 150th na pag aalala ng kanyang kaarawan ay maging simula upang magising muli at mag alab ang puso ng bawat Pilipino upang mahalin at ingatan ang bansang Pilipinas.

Next time na makahawak tayo ng Piso at makita natin ang mukha ni Gat Jose Rizal, sana ay sumagi sa ating isipan ang mga kadakilaang kanyang nagawa,upang mabuhay muli ang ating pagka-makabayan sa isip, sa salita at sa gawa.


Saturday, January 29, 2011

Mga Snatcher-Ingatan

Photo Source:Anthony00.blogspot.com
Diyan sa post ni Anthony na iyan ay nanakawan ang tsika babes na yan ng cellphone.

Grabe talaga ang mga Snatchers. Salot sa lipunan. Isama na ang mga mandurokot, holdaper at iba pang masasamang loob. Papano ba sila mauubos?

Kagabi ay may katabi ako sa jeep na teen-ager na sa tingin ko ay nasa 17 or 18 years old lang. Panay ang text niya na sa tigin ko ay delikado dahil ang lugar ng Caloocan, MCU ay sikat sa dami ng cell phone snatcher. Paging Mayor Enrico "Recom" Echiverri!

Saglit na napatigil ang jeep dahil sa traffic at nang tipong aandar na ay may isang lalaking tila hahabol ng sakay. Sandali kong naibaling ang aking pansin sa driver upang sabihin ko sanang may sasakay upang ihinto ng driver ang pag andar ng jeep. Hindi ko pa nasasabi ang katagang iyon ng biglang tumili ang katabi ko na nagtetext kanina lang.

Pagbaling ko ng paningin ay kumaripas na ng takbo ang mama. Hinablot pala nito ang cell phone ng teen-ager na katabi ko. Mabuti na lang at mahigpit din ang kanyang kapit sa kanyang cell phone at nahatak niya uli ito pabalik. Ang bilis ng pangyayari. Split seconds lang kumbaga.

Namutla siya, at tila tulalang nagsabing ang sakit daw ng kamay niya sa mahigpit na pagkakahawak ng snatcher. Ang lakas daw ng nerbiyos niya.

Sinabihan ko siya na iwasan mag text lalo na kung nakahinto ang sasakyan dahil diyan umaatake ang mga iyan. Ang ilan naman sa kanila ay pasahero din na biglang bababa kapag aandar ang jeep sabay hablot ng cell phone o ano mang pweding makuha sa kapwa pasahero.
Kung may natanggap naman na text o tawag ay huwag munang sagutin kung hindi safe ang sitwasyon. Kahit mumurahin ang cell phone kung wala pa silang kita ay tataluhin din nila yan.

Ang mga snatcher ay para din ordinary employee yan. Nagprapractice ng takbo iyan para hindi abutan ng hahabol. Athletic dahil kayang tumalon ng mga center island. May escape route yan parang military, alam ang entry at exit point. Magagaling din umarte ang mga iyan. Talo pa ang mga award winning actor sa pag emote kapag nahuli. Nag wowork out din ang mga iyan para kapag binugbog ay hindi masyadong masaktan. At higit sa lahat ay umiinom din sila ng mga gamot, gamot na bawal nga lamang.

Hindi sila kayang pukhasain ng mga autoridad kasi dumadami sila sa halip na maubos, kaya ingat na lang po mga kapatid, ka barangay, at mga readers. (Kahit iilan lang kayo.hehehe).

Kung snatcher ka at nagawi ka dito, tigilan mo na yan hanggat maaga pa. Ikaw din, baka si Taning at Lucifer ang maging ka FB mo at ka Friendster.

Tuesday, January 25, 2011

High School Life - Naaalala mo pa ba?


Naaalala niyo pa ba ang high school days ninyo?
Kung nanamnamin niyo ang kanta ni Sharon Cuneta na "High School Life" ay tila swak na swak. Ika nga ay saktong-sakto, hindi ba?

Every moment ay kay saya at very exciting talaga.
Mga away, tampuhan, crushes at kalokohan na kapag ngayon mo naaalala ay nagdudulot ng masasayang alaala.

Nagkita na ba kayo ng high school classmates mo at nagkakwentuhan tungkol dito?
May mga kwentong ngayon mo lang narinig na nuon ay hindi mo alam. Nakakapag bigay ng balik tanaw sa mga ugaling bagets nuon na ngayon ay forgets na. Mga pangalan ng titsers niyo naaalala niyo pa ba?

Sino nga ba ang Valecdictorian niyo? Anong section ka nga ba? Sino ba ang crush mo nuon (Tanong ni Cesar)?
Sino nga ba naging boyfriend, girlfriend mo? Sino ang nagkatuluyan? Buti na lang hindi siya ang napangasawa ko. Hindi siya nagbago, maganda pa rin siya. Ah, nag iba ang mukha niya.
Ano nga ang name niya, habang tinitignan sa Facebook ang mga pictures na kuha nuong huling reunion? Iyan ang ilang komento.

Pasensiya na mga Classmates at talagang may memory gap na ako. Karamihan ng naikwento niyong kaeskuela ay hindi ko na maalala. Pati name ng mga Teachers natin ay iilan na lang ang naaalala ko. Pero kayo, Andrea, Vicky, Medy, Roda, Des, Deo, Abe, Cecil at Cesar ay hinding hindi ko malilimutan. Yung iba naman ay naaalala ko pa rin pero wala sila diyan sa picture natin. Romeo Din at Alzate asan na kayo?

You all made my day. Salamat sa isang araw na pagsasama natin at muling nanariwa sa aking isipan ang 36 years na taong nakaraan. Opo, after 36 years ay alam pa nila ang nangyari sa amin nuong high school. Dapat silang bigyan ng space sa Guinness Book of World Records.
May mga tumaba, may mga tumangkad. May hindi nagbago ang itsura, may nag iba talaga. May mga nag asawa at merong hindi. Ang iba ay may malalaking anak na at ang iba ay may asawa na rin.
May naubusan na ng buhok pero ang topic natin ay High School life pa rin.

Natalo man ako sa videoke contest natin ay umalis akong sobra ang saya. Umabot hanggang tainga ang aking tawa.

Classmates Thank you and sa susunod nating pagkikita ay gagalingan ko ang aking pagkanta.
Tatalunin ko na si Cesar sa pababaan.(Huwag na pataasan ng Score ha, lamang kayo eh!).

Kayo, nagkita na ba kayo ng High School classmates niyo? Aba kung hindi pa ay hanapin na sila sa facebook at ibang social networking sites. Promise, masaya talaga ito.
Sige at babu muna, magpra practice pa akong kumanta.